Ni: Orly L. Barcala

Nagising sa pagkakatulog ang mga residente dahil sa sunud-sunod ng putok ng baril mula sa hindi kilalang holdaper, na buong tapang na nakipagbarilan sa mga pulis sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Makaraan ang halos 10 minutong palitan ng putok, bumulagta at napatay ang suspek na nasa 30-35 ang edad, may taas na 5’7”, at katamtaman ang pangangatawan.

Sa ulat, bandang 2:00 ng umaga at nagpapatrulya ang mga operatiba ng North Caloocan Police sa Package 4, Phase 4 sa Bagong Silang, nang mamataan ang suspek na kahina-hinala umano ang kilos.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Sinita umano ng mga awtoridad ang suspek, pero tumakbo ito at nagpaputok ng baril hanggang sa sumiklab ang engkuwentro at mapatay ito ng mga pulis.

Hindi kilala ng mga residente ang suspek.

Hinala ni Caloocan City Police chief Senior Supt. Chito Bersaluna, posibleng holdaper ang lalaki at nag-aabang ito ng mabibiktima.