Ni: Light A. Nolasco

BALER, Aurora - Makararanas ng hanggang siyam na oras na brownout ang ilang bahagi ng Nueva Ecija at Aurora sa Huwebes, Hulyo 20.

Ayon kay National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Central Luzon Corporate Communication & Public Affairs Officer Ernest Lorenz Vidal, maaapektuhan ng kawalan ng kuryente ang mga kustomer ng NEECO II-Area I, NEECO II-Area 2 at AURELCO, simula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa Huwebes.

Para sa maintenance ng mga nasabing pasilidad, mawawalan ng kuryente sa mga bayan ng Talavera, Bongabon, at Gen. Natividad sa Nueva Ecija; at sa Dingalan, San Luis, Baler, Ma. Aurora at Dipaculao sa Aurora.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog