ni Gilbert Espeña

NABIGO si dating IBO light flyweight champion Rey Loreto ng Pilipinas na mapatulog ang walang talong si Thai WBA minimumweight titlist Thammanoon Niyomtrong kaya natalo siya sa 12-round unanimous decision kahapon sa Chonburi, Thailand.

Mahirap manalo sa Thailand kaya walang tigil na atake ang ginawa ni Loreto kay Niyomtrong ngunit nakaiwas ito sa kanyang malalakas na bigwas kaya natalo sa mga iskor 117-110, 115-113 at 117-110.

“Several times during the war, Niyomstong employed dirty tactics over Loreto, for which third man Rafael Ramos issued warnings. However no points were deducted,” ayon sa ulat ng Philboxing.com.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“At the end of the fast and furious close encounter - in which both fighter showed in their faces evidence of the intensity, Niyomtrong with his left eye totally shut - referee Ramos raised the right hand of the Thai world champion Niyomtrong (16-0, 7 KO's) who completed successfully another title defense, this one was a mandatory one,” dagdag sa ulat.

Kaugnay nito, iniutos ng WBA Asia Boxing Association na ulitin ang Michael Enriquez-Yutthana Kaensa match nitong Hunyo 29 sa Bangkok, Thailand na dapat nanalo via 7th round knockout ang Pilipino pero biglang natapos ang nasabing yugto ng sagupaan.

Napatunayan ng Thailand Boxing Commission (TBC) na pinaikli ang three-minute round para hindi mapatulog si Kaensa na bumagsak matapos tamaan ng left hook at na-groggy pero biglang natapos ang round.

Nanalo si Kaensa sa mga iskor na 116-112, 115-112, at 115-112 para matamo ang WBA Asia flyweight title na isa na namang malinaw na katibayan kung paano nadadaya ang mga boksingerong Pinoy sa Thailand na ang naparusahan lamang ay ang timekeeper ng laban.