LONDON (AP) — Naghihintay ang tennis fans para sa kasaysayan na malilikha ni Roger Federer.

Isang hakbang na lamang ang pagitan ng Swiss tennis star para sa markadong ikawalong Wimbledon singles title matapos makausad sa ika-11 pagkakataon sa Finals ng pamosong Grand Slam championship nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Roger Federer (SUI) in action against Tomas Berdych (CZE) on Centre Court in the Gentlemen’s Singles Semi-Final. The Championships 2017 at The All England Lawn Tennis Club, Wimbledon. Day 11 Friday 14/07/2017. Credit: AELTC/Tim Clayton.
Roger Federer (SUI) in action against Tomas Berdych (CZE) on Centre Court in the Gentlemen’s Singles Semi-Final. The Championships 2017 at The All England Lawn Tennis Club, Wimbledon. Day 11 Friday 14/07/2017. Credit: AELTC/Tim Clayton.

Sa edad na 36, nanatili ang bilis at angas ni Federer sa grass court para gapiin ang 2010 runner-up na si Tomas Berdych, 7-6 (4), 7-6 (4), 6-4, sa semifinal duel sa All-England Club.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“It’s great, but it doesn’t give me the title quite yet. That’s why I came here this year,” pahayag ni Federer. “I’m so close now, so I just got to stay focused.”

Naipanalo niya ang bawat set sa ikaanim na match at sa kabila nang hindi dominanteng pamamaraan, nagawa niyang manalo nang walang abala. Makakaharap niya sa Finals sa Linggo (Lunes sa Manila) si 2014 US Open champion Marin Cilic, umusad sa Wimbledon championship sa unang pagkakataon matapos pataubin ang 24th-seeded na si Sam Querrey ng US, 6-7 (6), 6-4, 7-6 (3), 7-5, tampok ang impresibong 25 aces.

“This is his home court,” sambit ni Cilic, patungkol sa laban kay Federer, “(the) place where he feels the best and knows that he can play the best game.”

Mula nang pantayan ang record nina Pete Sampras at William Renshaw (naglaro sa dekada 1880s) na pitong Wimby title, dalawang ulit nakakuha ng pagkakataon si Federer na malagpasan ang marka ngunit nabigo siya kay Novak noong 2014 at 2015.

Ngayon, ang tamang panahon na maisakatuparan ang pangarap na pedestal.

Kung sakali, si Federer ang pinakamatandang player na magwawagi ng Wimbledon sa Open era. Naging kampeon si Ken Rosewall sa edad na 39 noong 1974.

“Giving your body rest from time to time is a good thing, as we see now,” pahayag ni Federer, tangan ang 18 Grand Slam title. “And I’m happy it’s paying off because for a second, of course, there is doubts there that maybe one day you’ll never be able to come back and play a match on Centre Court at Wimbledon. But it happened, and it’s happened many, many times this week.”