Ni: Leandro Alborote

CONCEPCION, Tarlac – Isang hinihinalang tulak ang naaresto ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Sitio Gugu, Barangay Sta. Rosa, Concepcion, Tarlac, nitong Biyernes ng gabi.

Sa ulat ni PO2 Manuel Aguilar, Jr., inaresto si Francisco Lopez, 40, may asawa, ng nasabing barangay, makaraang mahulihan umano ng isang plastic sachet na may hindi pa tiyak na gramo ng shabu, kapalit ng P500.

Ayon sa report, nang isailalim sa masusing imbestigasyon ay muling nakarekober ang pulisya ng isa pang transparent plastic sachet na naglalaman ng malaking gramo ng shabu mula kay Lopez.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog