Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Fil Oil Flying V Center)

10 n.u. -- Cignal vs Sta. Elena (men’s)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

1 n.h. -- Cafe Lupe vs IEM (men’s)

4 n.h. -- UP vs BaliPure (women’s)

6:30 n.g. -- Pocari vs Power Smashers (women’s)

TARGET ng defending champion Pocari Sweat ang ikatlong sunod na panalo para sa solong liderato sa pagsagupa sa Power Smashers ngayon sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League Open Conference sa Filoil Arena sa San Juan.

Inaasahang muling mamumuno ang Reinforced Conference Finals MVP na si Myla Pablo para sa Lady Warriors sa pagharap sa Power Smashers sa huling laro ganap na 6:30 ng gabi kasunod ng kanyang 23-hit performance sa 25-21, 22-25, 25-19, 28-26 panalo kontra Perlas BanKo Spikers nitong Miyerkules na nagtabla sa kanila sa Creamline Cool Smashers sa liderato.

“We know she can play like this on a consistent basis so we expect another big game from her,” ayon kay Pocari coach Rico de Guzman.

Galing ang Power Smashers sa masaklap na 5-25, 25-22, 25-20, 19-25, 6-15 kabiguan sa BaliPure Water Defenders.

“My players are still young and are still learning. I hope we could find a leader as they grow in the PVL,” ayon kay coach Nes Pamilar.

Sa isa pang laban, tatangkain namang makabawi ng BaliPure mula sa natamong ĺ19-25, 30-28, 19-25, 31-29 kabiguan sa kamay ng Creamline nito ring Miyerkules sa pagsagupa kontra UP ganap na 4 :00 ng hapon.

Nananatiling optimistiko ang Reinforced Conference losing finalists sa kanilang tsansa na makabawi sa pangunguna nina three-time NCAA MVP Grethcel Soltones, Jerrilli Malabanan, at dating NU mainstays Risa Sato, Aiko Urdas at setter Jasmine Nabor.