LONDON (AP) — Naitala ni American Madison Brengle ang pinakamalaking panalo sa kasalukuyang aksiyon sa All-England Club nang mapatalsik si two-time winner Petra Kvitova ng Czech Republic sa second round ng women’s single ng Wimbledon nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

TENNIS copy copy

Ginulat ng 27-anyos at world ranked 95 mula sa Dover, Delaware ang 11th seeded na si Kvitova, 6-3, 1-6, 6-2, upang makausad sa third round ng torneo.

Ito ang pinakamataas na inabot sa kasalukuyan ni Brengle sa prestihiyosong torneo mula nang mag-debut at matalo kay Venus Williams, 6-0, 6-0, noong 2015.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

"So, like, that's always in my head when I'm out here.It's like, 'Oh, my goodness, don't do that ever again!' That was really tough for me,” aniya.

Napatalsik din ang 17th seeded Madison Keys ni Italian Camila Giorgi 6-4, 6-7 (10), 6-1.

Naging quarterfinalist si Keys sa All England Club noong 2015, at nakaabot sa third at fourth round sa nakalipas na season.

Tumatag naman ang kampanya ni French Open champion Jelena Ostapenko nang pabagsakin si 142nd-ranked Canadian qualifier Francoise Abanda, 4-6, 7-6 (4), 6-3.

Mula sa pagkabokya sa Tour, ginulat ni Ostapenko ang komunidad ng tennis nang angkinin ang Grand Slam tournament sa Paris sa nakalipas na buwan bilang unseeded at ranked No.47.

"I feel just really empty right now. I know my body; it's not great. But mentally I'm really glad that it's over. I mean, it was kind of a fairy tale, but on the other hand, it was very tough," pahayag ni Kvitova, sumabak sa unang Grand Slam event mula nang masugatan ang kamay nang makipagbuno sa kutsilyo ng magnanakaw.

Kabilang si Kvitova sa anim na seeded women na nagapi sa ikatlong araw ng aksiyon tulad nina No. 15 Elina Vesnina, natalo sa bagong ina na si Victoria Azarenka, No. 17 Madison Keys, No. 18 Anastasija Sevastova, No. 22 Barbora Strycova at No. 25 Carla Suarez Navarro.