Ni: Lyka Manalo

NASUGBU, Batangas - Patay ang isang construction worker matapos umanong makuryente sa live wire sa ginagawang gusali ng Batangas State University (BSU) sa Nasugbu, Batangas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 7:00 ng umaga nitong Lunes at gumagawa si Crispin Ularte, 27, sa isang gusali sa naturang eskuwelahan nang mapahawak siya sa live wire at makuryente.

Isinugod pa sa Jabez Medical Center ang biktima subalit idineklarang dead on arrival.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog