OTTAWA (Reuters) -- Inulan nang malakas ang pinakaaabangang pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ng Canada nitong Sabado at may mangilan-ngilang nagprotesta ngunit hindi ito nakasira sa kasiyahan ng marami na dumagsa para mag-enjoy sa musical performances at mga parada.

Inilunsad ni Prime Minister Justin Trudeau ang mga pagdiriwang sa gitna ng matinding seguridad at tinatayang 25,000 katao ang nagtipon sa malaking outdoor celebration sa harapan ng Parliament sa Ottawa, kung saan nagtanghal ang rock band na U2.

Dahil sa masamang panahon ay nakansela ang fly-past na nagtatampok sa Canadian warplanes, at isang oras na naantala ang konsiyerto para patilain ang ulan.

Nagbahagi ang Twitter users ng kanilang mga paboritong awiting Canadian at pagkain sa ilalim ng #Canada150. Nagkaroon ng acrobat show, at special citizenship ceremonies sa malalaking lungsod.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Nakipagkamay si Trudeau, kasama si Prince Charles ng Britain, sa libu-libong nagsaya sa Ottawa, ang kabisera ng Canada. Nagtapos ang pagdiriwang sa musical fireworks show na tumagal ng 20 minuto at 17 segundo para gunitain ang 2017.

“One hundred fifty years? Nah. Look at us: Canada is being born today,” sabi ni Trudeau sa madla na nababasa ng ulan.