Ni Ernest Hernandez

SA sandaling tumapak ang mga paa si Joshua Smith sa MOA hard court bilang kapalit na import ni Donte Green sa Talk ‘N Text para sa 2017 OPPO-PBA Commissioner’s Cup lutang na ang kanyang dominasyon.

Hindi naman nagkamali ang Katropa sa naging desisyon, dahil sinandigan ng higanteng si Smith ang kanilang kampanya tungo sa kauna-unahang Finals sa nakalipas na taon.

Smith2 copy copy

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Laban sa crowd-favorite Barangay Ginebra sa semifinals, natupi ang Kings import na Justine Brownlee sa laki at bigat ni Smith sa post-up play. Pinatalsik ng Katropa ang Kings sa loob ng limang laro ng kanilang best-of-seven series.

Bunsod nito, binansagan siyang ‘Jumbotron’, na hindi naman ikinagulat ng 6-foot-6 import.

“Iactually don’t mind Jumbotron,” pahayag ni Smith.

Hindi maitatatwa ni Smith na ang mala-balyenang laki ng kanyang pangangatawan ang naging dahilan nang pagkakabigo niyang makalaro sa UCLA Bruins sa kanyang collegiate career. Laking pasalamat na lamang niya at inampon siya ng Georgetown kung saan tinapos niya ang kanyang pag-aaral.

Naging masalimuot din ang pangarap niyang makalaro sa NBA nang walang kumuha sa kanya noong 2015 NBA Drafting.

Naglaro siya sa Miami Heat sa Summer League ng naturang taon bago napansin ng Houston Rockets.

Nakapaglaro siya ng pitong exhibition game sa Rockets bago siya na-cut sa line-up dahilan para tanggapin ang alok ng Rio Grande Viper sa NBA D-League.

Sa nakuhang pagkakataon na makalaro sa Pilipinas, determinado si Smith na mabigyan ng kampeonato ang Katropa na aniya’y tumanggap sa kanya nang mabuti at puno ng respeto.

Ikinatuwa rin niya ang ibinigay sa kanyang alias na ‘Jumbotron’.

"I was laughing," sambit ni Smith.

"I've been giving guys nicknames on the team and I found out that we have “Pretty Boy Troy,” “Wonder Boy,” “The Blur”... so my girl likes it and I can't be mad."

"At first I had a problem with it but all the guys have been calling me it so, it is what it is and I would go by it."

Ang tinutukoy ni Smith na girlfriend ay si Kristy Ochoa, nakatakdang magsilang ng kanilang panganay. Bilang pagkilala, iniaalay ni Smith kay ‘Kristy’ ang Game 4 ng kanilang Final series ng San Miguel Beer kung saan naitabla ng Katropa ang serye sa 2-2 matapos ang 102-97 panalo.

Hataw si ‘Jumbotron’ ng 20 puntos at 15 rebound sa naturang laro.