Ni: Leo P. Diaz

ISULAN, Sultan Kudarat – Kinumpirma ni Philippine Drug Enforcement Agency-Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-ARMM) Director Juvenal Azurin na naaresto nila ang ikatlo sa drugs watch list sa buy-bust operation sa parking lot ng isang shopping mall sa Cotabato City, nitong Martes.

Positibong kinilala ni Azurin ang mag-asawang suspek na sina Fatma Bagundang Salik, 27; at Datukan Mohammad Salik, at nakuhanan umano ang mga ito ng dalawang malalaking pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 103 gramo, at P257,000 cash.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?