NI: Aaron Recuenco

Inaresto ng pulisya ang pitong umano’y miyembro ng isang sindikatong sangkot sa bentahan ng ilegal na baril at droga sa isang raid sa Danao City, Cebu.

Sinabi ni Director Roel Obusan, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), na kumikilos sa Cebu at Bohol ang “Arioja Gang” na pinamumunuan umano ni Lendi Cuizon Arioja.

Nakatakas si Arioja at apat niyang tauhan sa nasabing pagsalakay, bagamat nadakip ang mga kasamahang sina Hanse Batoon, Fernando Batoon, Orlando Manulat, Jerry Manulat, Jerry Lavador, Edgar Cuizon, at Roel Deiparene.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nasamsam ng mga awtoridad ang 12 .38 caliber revolver, tatlong .45 caliber pistol, dalawang .357 caliber, mahigit 40 sari-saring bala, at 119 na plastic sachet ng hinihinalang shabu.