NI: Orly L. Barcala
Sa sementeryo ang huling destinasyon ng isa umanong drug user matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.
Tadtad ng tama ng bala sa katawan si Jose Reyes, 48, binata, ng No. 417 Medina Street, Barangay North Bay Boulevard North ng nasabing lungsod.
Base sa report, nadiskubre ng isang residente ang bangkay ni Reyes na nakabulagta sa loob ng Navotas City Cemetery, sa Gov. Pascual St., Bgy. San Jose, dakong 4:00 ng madaling araw.
Kinilala ang biktima ng kanyang nakababatang kapatid, si Maria Victoria Sarenas, at inamin na gumagamit ang una ng ilegal na droga.