Ni: Lyka Manalo

MALVAR, Batangas - Dead on arrival sa pagamutan ang isang lalaking kabilang umano sa mga high value target (HVT) ng pulisya sa pagkakasangkot sa ilegal na droga matapos umanong manlaban sa mga awtoridad sa Malvar, Batangas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 1:25 ng hapon nitong Biyernes nang magsagawa ng raid ang pulisya sa bahay ni Ruel De Jesus Girao, ikawalong HVT, sa Barangay San Pedro, sa bisa ng search warrant mula sa korte sa San Pablo City, Laguna.

Pinaputukan umano ng suspek ang mga pulis na gumanti ng putok kaya napatay si Girao.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Narekober umano sa lugar ng operasyon ang limang sachet ng hinihinalang shabu at isang .38 caliber pistol.