NI: Jun N. Aguirre

SAN JOSE, Antique – Patay ang isang operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos na makipagbarilan sa mga awtoridad sa anti-illegal drug operations sa Sitio Salong sa Barangay San Juan, Sibalom, Antique.

Kinilala ng awtoridad ang nasawi na si Macario Grasparil, 46, binata, intelligence agent ng PDEA.

Ayon sa police blotter report, isinagawa ng Sibalom Police, katuwang ang mga operatiba ng PDEA, ang operasyon laban kay Grasparil matapos makakuha ng report na nagbebenta umano ito ng droga.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nang makatunog umano ang suspek na kapwa awtoridad ang pinagbentahan niya ay kaagad siyang nakipagbarilan ngunit siya ang napuruhan hanggang sa tuluyang nasawi sa engkuwentro.

Narekober mula sa suspek ang P1,302 marked money, 11 maliliit na plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang .9mm caliber Glock pistol, tatlong magazine, mga bala, at PDEA agent ID.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Scene of the Crime Operations ang bangkay ni Grasparil habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.