Untitled-1 copy copy

Ni Marivic Awitan

TULAD ng dapat asahan, labis ang kasiyahan ni Coach Leo Austria sa muling pag-usad ng San Miguel Beer sa Finals nang gapiin ang Star Hotshots, 109-102, nitong Biyernes sa 2017 OPPO-PBA Commissioners Cup best-of-five semi-finals sa MOA Arena.

Tinapos ng Beermen ang kanilang semi-finals series sa Star Hotshots sa loob ng apat na laro upang makapasok sa Commissioners Cup finals sa unang pagkakataon mula noong taong 2001.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Binigyang papuri ng four-time champion mentor ang kanyang mga manlalaro, partikular sina Chris Ross, Alex Cabagnot, at Marcio Lassiter sa ipinakitang determinasyon sa kabuuan ng serye.

“What more can I say? We’re back in the Finals. We’re so happy because of these hard-working players, pinakita nila ‘yung kanilang championship caliber,” pahayag ni Austria.

“I have to commend those players, especially Chris Ross, Alex Cabagnot and even Marcio, who despite not playing well, but being on the court, he can neutralize the defense that’s why nao-open mga big man,” aniya.

Sa kabuuan, naitala ng Beermen ang kanilang ika-38 pangkalahatang finals appearance na patuloy namang nagpanatiling bukas sa pintuan para magtamo sila ng panibagong Grand Slam championship.

Ngunit sa ngayon ay ayaw pa itong pag-usapan ni Austria.

“One step closer to the Grand Slam. But that’s not in our mind eh. We have to win and get to the Finals. We can never know what will happen.”

Sa ngayon gusto niyang mag -focus ang buong team sa nalalapit nilang pagsabak sa finals.