Sumumpang ‘not guilty’ si dating Maguindanao governor Datu Sajid Islam Ampatuan sa 36 na kasong katiwalian na inihain laban sa kanya sa Sandiganbayan kaugnay ng maanomalyang mga proyekto noong 2009.

Sinimulan ang arraignment proceedings sa 5th Division ng anti-graft court kahapon.

Nag-ugat ang kaso sa P16, 317,559 kontratang pinasok ni Ampatuan sa food supplier na Henry Merchandising, na napag-alamang peke pala.

Kabilang sa mga kasong isinampa laban kay Ampatuan ang paglabag sa anti-graft and corrupt practices act, malversation of public funds, at falsification of public documents. (Rommel P. Tabbad)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter