Aarestuhin ng pamahalaan ang ilang indibiduwal na umano’y nag-uudyok ng rebelyon sa Internet kaugnay ng pag-atake ng Maute Group sa Marawi City, Lanao

Natunton ng pamahalaan ang mga suspek at nakatakdang arestuhin dahil sa “cyber sedition,” ayon kay Secretary Rodolfo Salalima ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

“May huhulihin na—cyber sedition. We are not going to the name the persons. We were able to track about more than one last (Monday) night,” pahayag ni Salalima sa Palace press briefing.

Inamin ni Salalima na ang DICT ay “involved” sa pagtugis ng pamahalaan sa mga grupong ginagamit ang Internet upang ipakalat ang terrorist propaganda.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“To the extent they commit cyber crimes, the DICT takes over,” aniya.

“You do sedition, you incite people via cyber or via internet, I call it there is cyber rebellion, there is cyber sedition. But in rebellion, there must be a taking up of arms so ‘pag sa online, it would amount to cyber sedition,” dagdag niya.

Una nang hiniling ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Facebook Philippines na isara ang 63 account na ginagamit umano ng Maute Group at mga tagasuporta nito sa pagpapakalat ng terrorist propaganda sa gitna ng bakbakan sa Marawi City. (Genalyn Kabiling at Beth Camia)