SA darating na Oktubre 23, 2017, batay sa plano ng Commission on Elections (Comelec), idaraos ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections. Nagsagawa ang Comelec ng voters’ registration upang mabigyan ng pagkakataon ang mga hindi nakapagparehistro, bago idinaos ang local at nationl election, na makaboto.

Bagamat apat na buwan pa ang hihintayin, may mga kababayan naman tayo na nagtatanong ng: “Eleksiyon sa barangay, mayroon o wala?” Naitanong ito ng ilan nating kababayan dahil sa pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na baka muling maantala ang barangay elections sa darating na Oktubre.

Nakatakda sanang idaos ang Barangay at Sangguniang Kabataan election noong Oktubre 2016, ngunit sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, ito ay ipinagpaliban. Isa sa pangunahing dahilan, maraming barangay captain, na sangkot umano sa illegal drugs, na gumamit ng drug money upang sila’y muling mahalal at manatili sa kapangyarihan.

Sa nasabing pagpapaliban ng barangay election, nanlumo naman ang mga nag-ambisyong maging barangay captain sapagkat marami sa kanila ay nagparamdam at nagpakilala na sa kani-kanilang kabarangay. Tulad ng karaniwang ginagawa ng mga pusakal na mga sirkero at payaso sa pulitika, may mga wannabe na barangay captain ang nagpagawa na ng mga tarpaulin.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Inilagay sa mga istratehikong lugar sa barangay at harap ng mga paaralan ang nasabing tarpaulin. Naroon ang larawan ng wannabe barangay captain na bumabati sa mga nagtapos ng pag-aaral. May pagbati rin sa kanyang mga kabarangay na nagdaraos ng kapistahan. May nagpunta na rin sa mga lamay upang makiramay sa namatayan at nag-abot ng konting tulong.

Marami rin ang nagtaas ng kilay at nanghinayang sapagkat sa kanilang paniwala, ang pagpapaliban sa barangay election ay tila pagbibigay ng bonus na isang taong panunungkulan para sa mga incumbent na barangay captain. Okay sana sa masisipag na barangay captain, ngunit sa mga tamad at corrupt, ang isang taon pa nilang panunungkulan ay parusa sa kanyang mga constituent. Hindi maikakaila na maraming barangay captain ang tamad. Inirereklamo at isinusuka ng kanilang mga constituent sa barangay. Tuwing tag-araw, walang initiative na magpalinis ng mga kanal upang maiwasan ang pagbabara na nagiging sanhi ng pagbaha.

May mga barangay captain naman na talagang maaasahan. May sistema sa paglilingkod sa kanilang nasasakupan. Masipag at kung may problema at kailangan sa barangay, hindi nag-aatubiling lumapit sa kanilang mayor, governor o congressman.

Ayon naman sa iba nating kababayan, kapag natuloy ang barangay election, malaya nang makapipili ng ihahalal at masisipa sa panunungkulan ang mga tamad at corrupt na opisyal. Marami ang umaasa na huwag na sanang ipagpaliban ang eleksiyon. Marami rin ang tutol sa balak na i-appoint na lamang ang mga barangay captain sapagkat mapupulitika.

Hayaan na ang mamamayan na malayang makapili at maghalal ng mamumuno.

Sa nakalipas na Abril at Mayo, natuwa ang mga mangingisda sa Laguna de Bay, gayundin ang mga taga-Rizal at Laguna na bumibili at nag-uulam ng isda, sapagkat hindi naglasang gilik o putik ang mga nahuling isda mula sa lawa.

(Clemen Bautista)