Pansamantalang sinuspinde ang biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kahapon matapos magkaproblema sa signaling system nito.

Batay sa abiso ng MRT-3, kinailangang itigil ang serbisyo ng tren mula North Avenue Station sa Quezon City hanggang Taft Avenue sa Pasay City at pabalik, dakong 2:17 ng hapon.

Inabot ng 10 minuto o hanggang 2:27 ng hapon para maayos ang problema at naibalik ang serbisyo ng tren.

Kaagad na humingi ng paumanhin ang MRT-3 sa mga pasahero dahil sa perwisyong idinulot ng naturang aberya. - Mary Ann Santiago
Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'