BAGUIO CITY - Anim na pinaniniwalaang kampo ng New People’s Army (NPA) ang nakubkob ng militar, kasabay ng pagkakadiskubre sa mga gamit sa paggawa ng pampasabog sa Kalinga.

Sa bulubunduking lugar sa masukal na kagubatan ng Balbalan sa Kalinga nadiskubre ng mga tauhan ng 50th Infantry Battalion ng Philippine Army ang isa sa anim na kuta ng mga rebelde.

Nadiskubre sa lugar ang walong fuse at iba pang gamit sa paggawa ng pampasabog.

Ayon kay Lt. Colonel Gulliver Senires, commanding officer ng 50th IB, may kabuuang anim na kampo ng NPA sa Balbalan at Pinukpuk ang kanilang nakubkob at sinira noong nakaraang linggo. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog