CAMP MACABULOS, Tarlac City – Dalawang hinihinalang illegal logger ang nalambat ng mga tauhan ng Special Operations Wing ng Philippine Air Force (PAF) matapos silang magbiyahe ng mahigit sa 387 board feet ng trosong Lawaan, na nasabat sa Barangay O'Donnell sa Capas, Tarlac, nitong Martes ng gabi.

Arestado sa illegal logging sina Wilmer Apostol, 24; at Luisito David, 26, kapwa may asawa, at taga-Bgy. Sta. Juliana, Capas, Tarlac.

Sa ulat ni Alfredo Nepacena, 56, may asawa, Forester 1 ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa Bgy. Cut-Cut 1st, Capas, dakong 8:00 ng gabi nang maaresto sina Apostol at David. (Leandro Alborote)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog