RIYADH (AFP) - Pinutol ng Saudi Arabia, Egypt, United Arab Emirates at Bahrain ang kanilang kaugnayan sa Qatar kahapon dahil sa diumano’y pagsusuporta ng mayamang Gulf Arab state sa terorismo.

Pinatindi nito ang umiinit na isyu kaugnay sa pagsusuporta ng Qatar sa Muslim Brotherhood, ang pinakamatandang samahan ng mga Islamist sa mundo, at dinagdagan ang akusasyon na sinusuportahan din ng Doha ang mga layunin ng Iran.

Inanunsiyo ng tatlong Gulf state ang pagsasara ng transport ties sa Qatar at binigyan ang mga bisita at residenteng Qatari ng dalawang linggo para lisanin ang kanilang mga bansa.

Inaakusahan ng Saudi Arabia ang Qatar na sinusuportahan ang mga militanteng grupo at nagpapalaganap ng mga bayolenteng ideolohiya, na hayagang pagtukoy sa al Jazeera, ang satellite channel ng estado.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“(Qatar) embraces multiple terrorist and sectarian groups aimed at disturbing stability in the region, including the Muslim Brotherhood, ISIS (Islamic State) and al-Qaeda, and promotes the message and schemes of these groups through their media constantly,” sinabi ng SPA state news agency.

Wala pang reaksiyon ang Qatar sa mga anunsiyo, ngunit sa nakalipas ay itinanggi na ang mga naturang akusasyon.

Sinabi naman ng Egypt na ang polisiya ng Qatar “threatens Arab national security and sows the seeds of strife and division within Arab societies according to a deliberate plan aimed at the unity and interests of the Arab nation.”