Ni Lito Mañago

DERRICK AT BEANAISINGIT ni Derrick Monasterio sa kanyang hectic schedule ang bonding moment with his fans sa pamamagitan ng isang wall climbing activity sa Greenfield District sa Ortigas kamakailan.

Judging from the short clip na ipinadala sa amin, masaya at tuwang-tuwa ang mga admin ng iba’t ibang fans club ng Kapuso hunk sa first-ever ultimate indoor wall climbing exercise nila with their idols.

“At least, iba naman ito sa madalas naming ginagawa tuwing may fan meet ako. Dito naipakita ko sa kanila ‘yung lifestyle ko, ‘yung pagiging athletic ko,” kuwento ni Derrick.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Sa ngayon, ang paglabas at paglipad ni Derrick sa Mulawin vs. Ravena ang inaabangan ng kanyang mga tagahanga.

Gumaganap si Derrick sa star-studded Kapuso fantaserye bilang Almiro.

Sa ending ng third week pa lilitaw ang character ng aktor sa naturang primetime series na kalabtim niya si Bea Binene.

“Excited na rin nga ako. Malapit na malapit na. Lilipad na si Almiro na sigurado akong kagigiliwan nila ang character ko,” kuwento ni Derrick.

Ang Mulawin vs. Ravena ay napapanood weekdays sa primetime block ng GMA at bida rito sina Dennis Trillo, Miguel Tanfelix, Bianca Umali at marami pang iba.

Kasama rin sa serye sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Nova Villa, Dion Ignacio, David Licauco, JC Tuiseco plus a cast of many. Mula sa magkatuwang na direksiyon nina Dominic Zapata at Don Michael Perez.