KINUHA ni WBO No. 2 Jeff Horn bilang sparring partner ang dating naka-spar ng makakalaban niya sa Hulyo 2 na si WBO welterweight champion Manny Pacquiao na si WBA No. 4 super lightweight Czar Amonsot.

Naging sparring partner ni Pacquiao si Amonsot noong nakabase pa ito sa Cebu City at miyembro ng pamosong ALA Boxing Stable.

Ngunit mula nang matalo sa puntos sa Las Vegas, Nevada kay Australian Michael Katsidis para sa interim WBO lightweight title, tatlong beses na lamang lumaban si Amonsot sa Pilipinas bago nagkampanya sa Australia.

Para sa trainer ni Horn na si Glenn Rushton, malaki ang maitutulong ni Amonsot sa pagsasanay ni Horn dahil kaliwete rin siya at agresibo tulad ni Pacquiao.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“I think Czar will be great sparring for Jeff,” sabi ni Rushton kay boxing writer Grantlee Kieza ng Courier Mail sa Australia. “He’s been undefeated for years and is a former Pacquiao sparring partner. He’s tough and aggressive and fight fit!”

May rekord si Amonsot na 34-3-3 na may 22 pagwawagi sa knockouts at ilang laban na lamang ay puwede nang hamunin si WBA, IBF at IBO light welterweight champion Julius Indonggo ng Tanzania. (Gilbert Espeña)