Makakaasa ngayon ang mga dayuhan ng mas mabilis na serbisyo sa kanilang aplikasyon sa visa at iba pang serbisyo mula sa Bureau of Immigration (BI), ayon kay Commissioner Jaime Morente.

Tiniyak ni Morente na foreign visa applicants na sisimulan ngayon linggo ng three-man Board of Commissioners, na pamumunuan ng komisyuner, ang lingguhang pulong upang talakayin ang lahat ng nakabimbing aplikasyon ng visa na nangangailangan ng approval.

Mapapabilis din, aniya, ang mga kaso ng deportasyon sa mga dayuhang lumabag sa immigration laws.

Inilabas ni Morente ang pahayag matapos iluklok ni Pangulong Duterte sina Attorneys Tobias Javier at Aimee Torrefranca-Neri bilang mga bagong BI associate commissioner. (Mina Navarro)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter