NAHILA ng University of the Philippines Fighting Maroons, San Beda-Rizal Red Cubs at Chiang Kai Shek Blue Dragons ang winning streaks sa pagpapatuloy ng 23rd Fr. Martin Cup Summer Basketball tournament.

Pinangunahan nina residency player Bright Akhuetie at Noah Webb ang Fighting Maroons kontra Centro Escolar University Scorpions, 81-50, sa San Beda-Manila gymnasium sa Mendiola.

Sinandigan naman nina Evan Nelle at Peter Alfaro ang Red Cubs kontra sa National University Bullpups, 81-71, sa Group A ng junior division ng torneo na itinataguyod ng Armor On Sportswear.

Ginapi naman ng Blue Dragons ang Lyceum Junior Pirates, 95-78.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Kapwa naitala ng Red Cubs at Blue Dragons ang 4-0 marka.

Umiskor sina Akhuetie at Webb ng tig-14 puntos para sa ikatlong sunod na panalo ng Fighting Maroons sa Group B ng senior division.

Nanguna naman sina Nelle at Alfaro sa Red Cubs sa nakubrang rig-12 puntos.

Sa iba pang laro, nagwagi ang San Sebastian Staglets, sa pangunguna ni Damie Cuntapay na umiskor ng game-high 16 puntos, kontra San Beda-Manila, 99-56.

Kumana si Jerome Jaucian ng 15 puntos para sandigan ang University of Perpetual Help Junior Altas kontra Marian School, 130-50.