bong copy

TAMPOK ang pinakamahuhusay na beach volleyball player sa bansa sa pagpalo ng Tanduay Athletics- Philippine Volleyball Federation (PVF) National Inter-Collegiate Women’s Beach Volleyball Championship bukas sa sand court ng Cantada Sports Center sa Taguig City.

Pangungunahan ng Southwestern University of Cebu ang laban ng Visayas region, habang pambato ng Davao ang Jose Maria College matapos manaig sa regional elimination sa nakalipas na weekend.

Kakatawanin naman ang Cagayan de Oro ng Capitol University, pambato ng Zamboanga del Norte ang St. Joseph College at sasandigan ng University of Luzon-Pangasinan ang rehiyon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sasabak din ang School, Colleges and Universities (SCUAA) champion Rizal Technological University bilang kinatawan ng National Capital Region (NCR),gayundin ang University of Perpetual Help-Laguna.

Inimbitahan din ang De La Salle University, Far Eastern University at University of Santo Tomas sa dalawang araw na torneo na sanctioned ng PVF at itinataguyod ng Tanduay Athletics nina sports patron Lucio “Bong” Tan, Jr. at Asia Brewery ni Mike Tan.

Libre ang tirahan para sa lahat ng kalahok at officials sa Cantada Sports Center.