WASHINGTON (AFP) – Dose-dosenang estudyante sa Notre Dame University sa Indiana ang nagprotesta sa mga polisiya ng White House nitong inggo sa pamamagitan pagtalikod sa commencement speech ni Vice President Mike Pence, na binatikos ang political correctness sa mga kolehiyo sa Amerika.

Nagsitayuan at tahimik na umalis ang mga miyembro ng graduating class – nakasuot ng cap at gown kasama ang may 2,000 kaklase – mula sa football stadium ng eskuwelahan nang magsimula ang talumpati ni Pence, ipinakita sa mga video na ipinaskil sa online. Ang iba ay nagpalakpakan habang ang iba ay nag-‘boo’.

Ang Notre Dame, sa lungsod ng South Bend, ay isa sa pinakaprominenteng Catholic university sa bansa.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na