Mahihirapan na naman sa pagba-budget ang mga ina ng tahanan sa susunod na buwan.

Ito ay matapos ihayag ang nakaumang na muling pagtataas sa singil ng kuryente sa susunod na buwan matapos na aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mas mataas na feed-in tariff allowance (FIT-All) rate.

Dahil dito, magkakaroon ng dagdag na 18.3 centavos per kilowatt-hour sa FIT-All sa electricity bill simula sa susunod na buwan.

Mas mataas ito ng 5.90 sentimos sa 12.4 sentimos na ipinataw simula noong Enero 2017.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Paliwanag ng ERC, kailangan ang dagdag na FIT-All rate upang umabot ang pondong pambayad sa FIT-eligible generators.

Saklaw ng dagdag-singil ang hindi pa nababayarang P6.6 bilyon sa renewable energy developers ng FIT system upang makapamuhunan ang power developers sa mga mas mahal na renewable sector sa loob ng 20 taon. (Beth Camia)