CAMILING, Tarlac - Natigmak na naman ng dugo ang pangunahing lansangan sa Barangay Bilad sa Camiling, Tarlac matapos magkabanggaan ang dalawang motorsiklo na ikinasugat ng tatlong katao, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni PO2 Maximiano Untalan, Jr. ang mga isinugod sa Gilberto Teodoro Memorial Hospital na sina Cleward Inocencio, 18, driver ng itim na Honda TMX 125 motorcycle, ng Purok 7, Bgy. Caniag, Camiling; Arbi Garcia, 17, driver ng Rusi TC 125 motorcycle; at angkas niyang si Ronnie Tucay Inocencio, 19, ng Bgy. Buayaen, Bayambang, Pangasinan, na dinala naman sa Rural Health Unit ng nasabing lugar. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog