NEW YORK (Reuters) – Isang humaharurot na kotse ang umararo sa mga taong naglalakad sa Times Square sa New York City nitong Huwebes, na ikinamatay ng isang biktima at ikinasugat ng 22 iba pa, sinabi ng mga awtoridad.

Ayon sa mga saksi, nag-U turn ang Honda sedan sa 7th Avenue sa midtown Manhattan, sumalubong sa trapiko at sinagasaan ang mga taong naglalakad sa sidewalk. Tumama ang kotse sa poste at tumilapon sa 45th Street at Broadway bago naaresto ng mga pulis ang driver.

Sinabi ni New York Mayor Bill de Blasio sa mga mamamahayag na walang indikasyon na ito ay kagagawan ng mga terorista.

Dalawang beses nang naaresto sa drunk driving ang driver ng kotse na kinilalang si Richard Rojas, 26, beteranong Navy, at residente ng Bronx, New York. Ang namatay na biktima ay si Alyssa Elsman, 18-anyos.

Internasyonal

Spanish tourist, pinatay ng pinaliliguang elepante