Iginiit ni dating Department of Transportation and Communications (DOTC) secretary Joseph Emilio Abaya na hindi siya nagpabaya sa trabaho at walang anomalya sa P3.8 bilyong kontrata sa pagbili ng mga tren ng MRT-3.

Gayunman, sinabi ni Senator Grace Poe na may mga dapat ipaliwanag si Abaya katulad ng biglaang pagpalit ng service provider kasunod ng pag-upo niya sa puwesto.

“Ginagantariya ko sa inyo na walang nakinabang dito, walang kalokohan dito, above board lahat. Malinaw ang konsensiya namin. Kaya kong sagutin ang Panginoon na ginawa namin nang maayos ito,” diin ni Abaya.

Sinabi ni Abaya na mas mura ang bagong service provider kumpara sa pinalitan nila at ito naman daw ay bukas at puwedeng ungkatin. (Leonel M. Abasola)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter