BATANGAS - Nasa 84 na operatiba ng Tanauan City Police station ang inilipat sa Binangonan, Rizal, sa direktiba ng Police Regional Office (PRO)-4A kahapon.

Bagamat hindi pa sinasabi ang dahilan, inihayag ni Senior Supt. Randy Peralta, acting director ng PRO-4A, na ang paglilipat sa mga pulis ay bahagi ng pagpapaigting ng kampanya sa pagsugpo sa kriminalidad at ilegal na droga sa bansa.

Sa report mula sa Batangas Police Provincial Office, isang Police Commissioned Officer (PCO) at 83 Police Non-Commissioned Officer (PNCO), ang ililipat maliban sa hepe at iba pang opisyal.

Pansamantalang hahalili ang 34 na operatiba ng Provincial Public Safety Company (PPSC) sa Tanauan City Police bilang kapalit ng mga inilipat na pulis, habang hinihintay ang pagdating ng mga taga-Binangonan Municipal Police.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

(Lyka Manalo)