JAKARTA, Indonesia (AP) – Bumubuhos ang galit sa pagpakulong sa isang politikong Kristiyano sa Indonesia dahil sa diumano’y paglapastangan sa Islam.

Gabi-gabing nagsasagawa ng mga candlelight vigil sa mga lungsod sa kapuluan simula noong Martes nang hatulan si Jakarta governor Basuki “Ahok” Tjahaja Purnama ng dalawang taong pagkakakulong.

Nagdaos din ng vigil ang mga Indonesian na nasa ibang bansa sa mga lungsod kabilang ang Amsterdam, Toronto at Melbourne, Australia.

Binatikos ng U.S. State Department, U.N. Human Rights Office, Amnesty International at U.K. ambassador to Indonesia ang sentensiya.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na