Jonathon Simmons,Clint Capela

Spurs, tinambakan ang Rockets; Warriors sunod na karibal.

HOUSTON (AP) — Umusad ang San Antonio Spurs sa Western Conference Finals kahit wala ang opensa ni Kawhi Leonard.

Ratsada ang Spurs at sinamantala ang malamyang opensa ni MVP candidate James Harden para pasabugin ang Houston Rockets, 114-75, nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Game 6 ng kanilang semifinal duel.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Naitala ni LaMarcus Aldridge ang season-high 34 puntos at 12 rebound para matapalan ang kakulangan sa opensa ng Spurs bunsod nang hindi paglalaro ni Leonard matapos ma-spained ang kanang paa sa Game 5.

Kumawala ang Spurs para maitirik ang 19 puntos na bentahe sa halftime tungo sa impresibong panalo sa harap nang dismayadong Rockets crowd.

Nag-ambag si Trevor Ariza ng 20 puntos para sa Houston, nagmintis ang opensa ni Harden para sa nakanang 10 puntos mula sa mababang 2-of-11 shooting bago napatalsik sa laro may 3:15 ang nalalabi.

Impresibo rin ang replacement ni Leonard na si Jonathon Simmons sa naiskor na 18 puntos at binalahura niya sa depensa ang Rockets.

Umabot sa 23 puntos ang bentahe ng Spurs sa third quarter at napalawig ang kalamangan sa 94-64, sapat para maagang magalisan palabas ang homecrowd.

Nadehado sa serye ang Spurs nang magtamo ng injury si star point guard Tony Parker sa Game 2, gayundin ang hindi paglalaro ni Leonard matapos ang pagka-sprained sa paa a Game 5. Ngunit, taliwas ang naging kaganapan.

Haharapin ng Spurs ang Warriors sa Game 1 ng conference Finals sa Linggo (Lunes sa Manila).