Warriors, nakumpleto ang pananalasa sa Utah; 8-0 sa postseason.
SALT LAKE CITY (AP) — Isang serye na lamang sa postseason at matutupad ang pangarap ng basketball fans – ang muling paghaharap sa NBA Finals ng Cleveland Cavaliers at Golden State Warriors.
Sa mainit at mabilis na simula ng ‘Splash Brothers’ nina Stephen Curry at Klay Thompson, ratsada ang Warriors sa 24 puntos sa first half at naisalba ang ilang serye ng paghahabol ng Utah Jazz sa second half tungo sa 121-95 panalo nitong Linggo sa Game 4 ng kanilang Western Conference semifinal.
Nahila ng Warrior ang winning streak sa postseason sa 8-0, kabilang ang 4-0-sweep sa Portland Trailblazers sa first round para makabaante sa conference finals.
Makakaharap ng Golden State sa conference finals ang mananalo sa pagitan ng Houston Rockets at San Antonio Spurs na kasalukuyang tabla sa kanilang serye sa 2-2. Nakatakda ang Game 5 nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).
Nauna rito, umabante ang Cavaliers sa Eastern Conference finals nang walisin ang Toronto Raptors para sa record 8-0 karta sa playoff. Hihintayin nila sa Finals ang magwawagi sa pagitan ng Boston Celtics at Washington Wizards na tabla rin sa 2-2.
Hataw si Curry sa naiskor na 30 puntos, habang tumipa si Thompson ng 21 puntos, at kumubra si Kevin Durant ng 18 puntos. Naitala naman ni Draymond Green ang ikatlong career postseason triple-double sa nasungkit na 17 puntos, 10 rebound at 11 assist.
"We have a lot of talent," pahayag ni Curry."We never know who is going to have a hot night.
"We try to move the ball, use each other to create open shots and when we do that, the ball is hopping and a lot of good things happen."
Humarurot ang Warriors sa 39-17 bentahe sa first quarter, sa kabila nang mababang 6-of-8 shooting nina Thompson and Curry.
Nanguna si Gordon Hayward sa Jazz sa nakubrang 25 puntos, habang humugot si Shelvin Mack mula sa bench ng 18 marka.
"The most important thing was we imposed our will on the game and we had the game at our pace," sambit ni Green.
"What happened, happened. We got blitzed,” sambit ni Utah coach Quin Snyder.