Ipinasa ng House Committee on Agriculture and Food ang panukalang batas na naglalayong i-convert bilang trust fund ang mga asset ng coconut levy para mapakinabangan ng mga magsasaka ng niyog sa buong bansa.

Inaprubahan ng komite ang “An Act Establishing the Coconut Farmers and Industry Development Trust Fund and Providing For Its Management and Utilization.”

Sinabi ni Rep. Jose Panganiban, Jr. (Party-list, ANAC-IP), chairman ng komite at isa sa mga may-akda ng panukala, na idineklara ng Supreme Court noong 2012 ang coconut levy fund na pag-aari ng gobyerno, at dapat gamitin para sa benepisyo ng coconut farmers at pagsulong sa industriya ng niyog. (Bert De Guzman)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'