Haharap si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Regina Paz Lao Lopez ngayong linggo sa Environment and Natural Resources Committee ng Commission on Appointment (CA) matapos dalawang beses na mabigo ang komisyon na magdesisyon kung irerekomenda ang kanyang kumpirmasyon bilang miyembro ng Duterte Cabinet.

Sinabi ni CA Secretary Hector Villacorta na muling haharap si Lopez sa komite na pinamumunuan ni Sen. Emmanuel Pacquiao ngayon at bukas.

Humiling ang mga miyembro ng CA, karamihan ay mula sa House of Representatives, kay Lopez na ipaliwanag ang mga alegasyon na ang kanyang mga responsibilidad bilang miyembro ng Gabinete ay nakagapos sa conflict of interest.

Dalawang beses na muling itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lopez matapos mabigo ang 25-miyembrong CA na kumpirmahin ang kanyang appointment.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon sa mga kritiko, ang pamilyang Lopez ang may-ari ng First Philippine Industrial Corporation (FPIC) sa Barangay Bangkal, Makati City na ang pipeline ay naghahatid ng mga produktong petrolyo mula sa Batangas patungo sa Pandacan depot sa Manila. Noong 2010, tumagas ang gas patungo sa basement ng isang 22-palapag na West Tower condominium sa Bangkal, Makati.

Sinabi ni Carlos Arcilla, geosciences professor sa University of the Philippines (UP), na si Lopez ang inatasang mag-imbestiga sa environmental disaster na ito. - Mario B. Casayuran