STUTTGART, Germany (AP) — Walang bahid ng kalawang ang porma, tikas at diskarte ni Maria Sharapova – sa unang sabak sa laban matapos ang 15 buwang suspensiyon – tungo sa 7-5, 6-3 panalo kontra Roberta Vinci ng Italy sa opening round ng Porsche Grand Prix nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).
“It was the best feeling in the world,” pahayag ni Sharapova matapos ang unang tapak sa court para sa professional match. “I have been waiting for this a long time.”
Malamig ang paunang pagtanggap kay Sharapova ng 4,500 crowd, ngunit nagsimulang magbalik ang kanilang paghanga sa Russian star na tatlong beses nang naging kampeon sa torneo nang magpamalas ito ng kahusayan.
Naging kontrobersyal ang pagbabalik ni Sharapova mula sa 15-buwan na suspensiyon bunsod ng pagpositibo sa ‘meldonium’ na napasama na sa ilegal na droga ng World Anti-Doping Agency (WADA) nang batikusin ng kapwa player ang ibinigay sa kanyang ‘wildcard’ ng organizer.
Ngunit, tila hindi apektado si Sharapova.
“It’s not something you focus on because you spent so many months training and preparing and getting ready that you have to be in your mind when you’re walking out on court,” aniya.