Madonna copy

NAGPAHAYAG ng galit si Madonna nitong Martes hinggil sa mga balita na isang Hollywood studio ang nagbabalak gumawa ng unauthorized biopic ng kanyang kabataan sa New York noong mga panahong nagsusumikap siyang makapasok sa industriya ng musika.

“Nobody knows what I know and what I have seen. Only I can tell my story,” saad ng Material Girl sa kanyang post sa Instagram.

“Anyone else who tries is a charlatan and a fool. Looking for instant gratification without doing the work. This is a disease in our society,” aniya.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Pinamagatang Blond Ambition, ang pangalan ng kanyang makasaysayan at provocative na 1990 tour, ang screenplay ay ginagawa ng baguhang manunulat sa Los Angeles na si Elyse Hollander.

Nakasaad sa description ng script na nakatuon ito sa buhay ni Madonna sa New York noong unang bahagi ng 1980s.

Nitong mga nakaraang taon ay madalas magkuwento si Madonna, nagtungo sa New York noong 1978 mula sa kanyang bayan sa Michigan, tungkol sa mga naging karanasan niya sa New York kabilang na ang panggagahasa sa kanya.

Isinilang na Madonna Louise Ciccone, ang ngayo’y 58-anyos na megastar ay nagtrabaho sa Dunkin’ Donuts banch sa Times Square habang ipinupursige ang karera sa pagsasayaw bago inilabas ang kanyang debut album noong 1983.

Bagamat ipinapalagay na ang karamihan ng mga awitin ni Madonna ay sumasalamin sa kanyang buhay at may ilang libro nang isinulat tungkol sa kanya, mariin ang pagtanggi niyang magsulat ng kanyang sariling talambuhay.

Hindi na bago si Madonna sa Hollywood, nagbida na siya sa mga pelikulang Desperately Seeking Susan, Who’s That Girl at Evita.

Sinasabing katuwang sa pagpo-produce ng Blond Ambition ni Michael De Luca, na nagtrabaho na sa erotic thrillers na Fifty Shades of Grey at Facebook drama na The Social Network gayundin sa Oscars ceremony.

Ang manunulat na si Hollander ay nagtrabaho behind-the-scenes sa Oscar-winning film na Birdman o (The Unexpected Virtue of Ignorance. (AFP)