PALAYAN CITY, Nueva Ecija - Hindi nagawang makapalag ng isang 72-anyos na lalaki nang arestuhin siya ng mga operatiba ng pinagsanib na puwersa ng Palayan City Police at Task Force Sagip ng Philippine Army sa manhunt operation sa Sitio Pinaltakan, Barangay Caballero sa Palayan City, Nueva Ecija.

Kinilala ng pulisya ang naaresto nitong Abril 19 na si Pablito Abudi y Talavera, alyas “Pablo”, tanod sa Bgy. Caballero at matagal nang wanted sa kasong panggagahasa.

Nasakote ang suspek sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ni Judge Evelyn Atienza-Turla ng Regional Trial Court Branch 4 sa Palayan City at walang inirekomendang piyansa para sa kanya. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog