TARGET ng Alaska at Talk ‘N Text na manatiling nakasuhay sa ibabaw ng team standings sa pakikipagtuos sa magkahiwalay na karibal sa PBA Philippine Cup elimination ngayon sa Smart-Araneta Coliseum.

Magkasalo sa ikatlong puwesto ang Aces at Katropa taglay ang parehong 4-1 karta.

Sasabak ang Aces kontra Phoenix Fuel Masters ganap na 4:15 ng hapon na susundan ng tapatan ng Katropa at GlobalPort Batang Pier ganap na 7:00 ng gabi.

Magkasunod naman sa ilalim ng team standings, kapwa magkukumahog ang Phoenix (2-4) at ang Globalport (1-4) na palakasin ang pag-asang makausad sa playoff round. (Marivic Awitan)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA