Itinakda ng Department of Education (DepEd) sa Hunyo 5 ang pagbabalik-eskuwela para sa School Year 2017-2018 sa mga pampublikong paaralang elementarya at high school sa bansa.

Bagamat binibigyan ng DepEd ng kalayaan ang mga pribadong eskuwelahan na magtakda ng petsa ng pagbabalik-eskuwela, sinabi ng kagawaran na hindi ito dapat lumampas sa huling araw ng Agosto.

Kasabay nito, itinakda rin ng DepEd ang Brigada Eskwela 2017-2018 sa mga pampublikong paaralan sa Mayo 15-20.

(Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser