VICTORIA, Tarlac – Sa Tarlac Provincial Hospital nag-Semana Santa ang isang tricycle driver at tatlo niyang pasahero matapos na masagi ang sasakyan ng kasunod nitong kotse sa Victoria-Tarlac Road sa Barangay Maluid, Victoria, Tarlac, nitong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ni PO3 Sonny Villacentino ang mga nasugatan na sina Manny Bañaga, 45, driver ng Suzuki Smash motorized tricycle (YP-4906); Nieves Duay, 50; Raquel David, 35; at John Carlo, 12, pawang residente sa nasabing barangay.

Bumibiyahe ang tricycle nang masagi ito ng kasunod na Toyota Vios na minamaneho ni Mary Jane Rigor, 44, may asawa, ng Bgy. Bulo, Victoria, Tarlac. (Leandro Alborote)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog