PYONGYANG/WASHINGTON (Reuters) – Nagbabala ang North Korean state media nitong Martes ng nuclear attack sa United States sa anumang senyales ng pagsalakay ng Amerika, habang patungo ang isang U.S. Navy strike group sa western Pacific.

Sinabi ni Trump sa isang tweet na ang North Korea ay “looking for trouble” at lulutasin ng U.S. ang problema tutulong man o hindi ang China.

Tumitindi ang tensiyon sa Korean peninsula sa pangambang magsasagawa ang North Korea ng ikaanim na nuclear test at matapos sabihin ng Washington nitong weekend na lilipat ang aircraft carrier strike group na Carl Vinson sa Korean peninsula.

“We are sending an armada. Very powerful,” sabi ni Trump sa Fox Business Network.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Naunang sinabi ng North Korea na handa itong rumesbak sa anumang pagsalakay ng Amerika. “Our revolutionary strong army is keenly watching every move by enemy elements with our nuclear sight focused on the U.S. invasionary bases not only in South Korea and the Pacific operation theater but also in the U.S. mainland,” saad sa opisyal na pahayagang Rodong Sinmun.

Sinabi ng North Korea foreign ministry na umabot na sa “serious phase ang “reckless moves for invading” ng Amerika.

“We will take the toughest counteraction against the provocateurs in order to defend ourselves by powerful force of arms and keep to the road chosen by ourselves,” pahayag ng ministry.