ATLANTA (AP) – Nadagit ng Hawks ang ikaapat na sunod na panalo nang pabagsakin ang Charlotte Hornets, 103-76, nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Hataw si Dwight Howard sa natipang 19 puntos at 12 rebound para sandigan ang Atlanta sa No.5 spot sa Eastern Conference playoff tangan ang 43-39 karta. Nasa No.6 ang Milwaukee Bucks (42-39).

Sunod na haharapin ng Atlanta ang Indiana, habang mapapalaban ang Milwaukee sa Eastern Conference leader Boston.

Haharapin ng Hawks ang No. 4 Washington Wizards sa first round ng playoffs.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

THUNDER 100, TIMBERWOLVES 98

Sa Minneapolis, pinataob ng Oklahoma City Thunder, sa pangunguna ni Victor Oladipo na kumana ng 20 puntos, ang Minnesota Timberwolves.

Hindi naglaro si Westbrook, ngunit kundisyon si Oladipo para pagbidahan ang Thunder.

Nanguna si Karl-Anthony Towns sa Wolves na may 26 puntos at 12 rebound.

Sa iba pang laro, ginapi ng Denver Nuggets ang Dallas Mavericks, 109-91.