Kris copy

MARAMI ang nag-congratulate kay Kris Aquino dahil sa success ng Trip ni Kris, ang two-hour travel special niya na umere sa GMA-7 last Sunday.

Marami ang nagpuyat para lang muli siyang mapanood at hindi nagsisi ang mga tumutok sa show dahil dalawang oras din nilang napanood si Kris na nagho-host, ang trabaho na walang dudang pinakamagaling siya.

Ang wish ng fans ni Kris, masundan ang Trip ni Kris ng iba pang show at mas matutuwa ang fans ng TV host, kung magkakaroon na siya ng regular show sa GMA-7 para madalas siyang mapapanood.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Dahil din sa Trip ni Kris, nakilala at napanood ng fans ng Queen of All Media si Renan Morales, ang sinasabing bagong manliligaw ni Kris ngayon. Bukod sa madalas siyang kasama ni Kris sa mga interview nito, si Renan din ang kumanta ng theme song ng show.

Samantala, ang sunod na aabangan ng fans ni Kris ay ang international project niya. Nag-audition siya para sa trabahong ito. Sa post ng pasasalamat ni Kris sa Instagram para sa mga nanood ng Trip ni Kris, nagpahaging lang siya sa bago niyang pasabog. (NITZ MIRALLES)