BRISBANE, Australia (AP) — napanatili ni Jordan Thompson ang malinis na karta sa Davis Cup tennis career matapos silatin ang liyamadong si American Jack Sock 6-3, 3-6, 7-6 (4), 6-4 nitong Biyuernes para ibigay sa Australia ng 1-0 bentahe sa kanilang World Group quarterfinal.

Naipanalo rin ni Thompson ang singles match sa Davis Cup debut kontra Czech Republic noong February, at ginulat ng 79th-ranked Australian ang manonood sa imperesibong panalo kontra sa No. 15 na si Sock, ang may pinakamataas na world rank sa tie.

Hindi nakagalaw nang maayos si Sock sa outdoor hard court ng Rafter Arena para mapayuko ng 22-anyos na karibal.

Nagawang makabawi ng American sa second set, at matikas na nakabawi mula sa 4-1 paghahabol sa third set, ngunit nakuha ni Thompson ang panalo sa tiebreaker. Nakumpkleto ng Australian ang dominasyon sa fourth set nang basagin ang service ni Sock.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naglalabana sina No. 16-ranked Nick Kyrgios at John Isner sa ikalawang singles match. Ang magwawagi sa tie ay uusad sa semifinals kung saan naghihintay ang mananalo sa pagitan ng Italy at Belgium sa semifinals sa September.

Tangan ng U.S. ang head-to-head series 26-20 bentahe laban sa Australia.