CHICAGO (AP) – Inaresto ng Chicago police ang isang 14-anyos na lalaki kaugnay sa panggagahasa sa isang 15-anyos na babae na kinunan nang live sa Facebook.

Sinabi ni police spokesman Anthony Guglielmi nitong Sabado na nahaharap ang suspek sa kasong felony, aggravated criminal sexual assault, manufacturing of child pornography at dissemination of child pornography. Aniya, marami pa ang aarestuhin.

Naganap ang krimen nitong Marso 19. Ayon kay Guglielmi nalaman ng pulisya ang tungkol sa pag-atake nang lumapit ang ina ng dalagita kay Police Superintendent Eddie Johnson habang paalis ito sa istasyon ng pulisya sa West Side ng lungsod at ipinakita sa opisyal ang video.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo